Bebot na may kasong pakikiapid, binaril sa mukha

Bebot na may kasong pakikiapid, binaril sa mukha

March 28, 2022 @ 1:30 PM 3 months ago


DAVAO CITY –Basag ang mukha ng isang babae na may kasong ‘concubinage’ matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng tindahan, Linggo, sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Vanessa Onde, 38, nasa hustong gulang at residente sa Barangay Malagos , Davao.

Batay sa report ng Baguio Police station, bandang 5:00 PM bibili lamang sana sa tindahan ang biktima sa nasabing lugar ng dumating ang suspek.

Dito, pinagbabaril ang biktima sa mukha at iba pang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon bitbit ang .45 kalibre na baril na ginamit sa krimen.

Sa ngayon inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen kung may kinalaman sa kasong pakikiapid na kinakaharap ng biktima sa Municipal Trial Court o sa lupa ng ka-live in nito./Mary Anne Sapico