Bebot na nagbebenta ng vaccine card huli sa QC

Bebot na nagbebenta ng vaccine card huli sa QC

January 26, 2022 @ 7:04 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babae na nagbebenta ng mga fake vaccination card matapos na mayroon magbigay ng inpormasyon hinggil sa ginagawang illegal na aktibidad nito kaninang hapon sa nasabing lunsgod.

Kinilala ni  Cubao Police Station (PS7) PLTCOL Jasmin Tabni ang inaresto na si Huwela Gabrido, residente ng No. 44 Cambridge st, Brgy, E. Rodriguez, Cubao, Q.C.

Base sa ulat, dakong 4:30 ng hapon (January 26)  nang dakpin ng mga kapulisan ang suspek sa mismong tahanan nito.

Lumalabas na ang mga fake vaccine card ay binibenta ni Gabrido sa halagang P15,000 ang bawat isa.

Narekober mula sa suspek ang QC at Parañaque Vaccination Card, notebook at logbook.

Nakapiit na si Gabrido na nahaharap sa kasong Falsification of Public documents at paglabag sa  RA 11525 Covid 19 Vaccination Law of 2021. Jan Sinocruz