Bebot na pinagkamalang aswang sa Negros sugatan  

Bebot na pinagkamalang aswang sa Negros sugatan  

February 7, 2022 @ 2:25 PM 4 months ago


Bacolod – Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng 58-anyos na babae sa Hinigaran, Negros Occidental makaraang saktan ito dahil sa napagkamalang “aswang.”

“Justice ang aming hinihiling sa hindi makataong ginawa sa aming kamag-anak,” ani Darryl Romano sa Facebook post.

Sa video na ibinahagi nito sa Facebook, nakatali ang babae habang pinagtatawanan at kinukutya ng ilang residente.

Sinabing naunang nadiskubre nang biktima sa bubong ng isang bahay sa Barangay Gargato bandang1 a.m. noong Pebrero 3.

Ayon kay Police Capt. Ryan Villasario, Hinigaran town police chief, hindi nila alam paano naabot ng biktima ang bubong.

Wala namang malalang nangyari sa babae.

Sa kumpirmasyon, sinabing nakararanas ito ng depresyon dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. RNT/FGDC