Bebot na supplier ng shabu sa Balintawak Market, timbog!

Bebot na supplier ng shabu sa Balintawak Market, timbog!

July 11, 2022 @ 5:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang bebae na sinasabing supplier ng shabu sa Balintawak Market sa nasabing lungsod matapos ikasa ang buy-bust operation kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nadakip na si Mary Grace Pantinople y Maynite, 36-anyos, dalaga, market vendor sa Balintawak Market, Brgy. Balinggasa, Q.C.

Base sa ulat, pasado alas-3:05 ng hapon (July 10) nang ikasa ang drug operation ng PDEA at QCPD Police Station 1 sa M.A. Eatery and Sari-sari Store, sa loob ng Balintawak public Market.

Isang ahente ang bumili ng shabu at nang magka-abutan ay dito na dinakma ang suspek.

Narekober mula kay Maynite ang isang pirasong brown paper bag na may label na ‘Bench’ na naglalaman ng Orange Tea Bag at nakapaloob ang self selling transparent plastic sachet kumg saan nakalagay ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalagang 3.4 milyon, Huawei Smart Phone na gamit sa transaksyon at buy-bust money.

Napag-alaman na matagal nang isinailalim sa surveillance ang suspek at lumalabas na si Maynite ang pasimuno sa pagbabagsak ng illegal.na droga sa nabanggit na market at ang mga parokyano nito ay ang mga kargador sa palengke at mga drayber na nagdedeliber mg gulay mula sa Northern at South Luzon. Jan Sinocruz