Bebot na tulak, 4 pa kulong sa Bulacan buy-bust

Bebot na tulak, 4 pa kulong sa Bulacan buy-bust

July 10, 2021 @ 4:22 PM 1 year ago


Bulacan – Arestado ang limang pinaghihinalaang tulak kabilang ang isang babaeng nagbenta ng iligal na droga sa magkakahiwalay at magdamag na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.

Nakilala ang mga naarestong sina Elmer Reyes,Rodel Dela Cruz,residente ng Bulihan,Plaridel,Joel Junio ng Tabe,Guiguinto,Mark James Natividad ng Bagong Buhay 3,San Jose Del Monte (SJDM) at Analiza Tagasa ng Tiaong,Baliwag.

Sa report,ikinasa ang operasyon ng Baliwag,Plaridel at SJDM police.

Nakuha sa operasyon ang 21 sachets na pinaghihinalaang shabu at buy-bust money.(Dick Mirasol III)