Bebot naburyong tumalon sa Intramuros bridge

Bebot naburyong tumalon sa Intramuros bridge

December 29, 2022 @ 11:57 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang babae matapos tangkaing magpakamatay at mahulog sa Intramuros-Binondo Bridge, Pasig River, iniulat ngayong Huwebes.

Ayon sa PCG, ang 47 anyos na babae na residente ng Binondo ay may pinagdadaanan umanong problema sa pamilya.

Habang nakatayo sa tulay ay nakikipag-usap ang BFP at PNP personnel sa kanya nang mahulog dahil sa pag-atras nito.

Agad namang tumalon si CG Petty Officer Second Class (PO2) Ray Eric Agad ng Coast Guard Special Operations  Force  (CGSOF) upang sagipin ang biktima.

Matagumpay naman siyang nailigtas at dinala sa Philippine General Hospital para sa atensyong medikal. Jocelyn Tabangcura-Domenden