Bebot, nagpatiwakal sa CR sa kulungan

Bebot, nagpatiwakal sa CR sa kulungan

July 6, 2018 @ 5:15 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Depresyon ang hinihinalang dahilan nang pagpapatiwakal ng isang 48 anyos na babae, sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng banyo ng Investigation Section sa Manila Police District-Ermita Polic4e Station 5, iniulat ng pulisya.

Nakilala ang biktimang si Nathalie Mendoza Y Lontoc, dalaga ng Bagalangit, Batangas City, at ang labi nito’y pansamantalang inilagak sa Archangel Funeral Morgue, para sa kaukulang awtopsiya.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det.Dennis Turla, kay P/Sr.Insp. Rommel Anicete hepe ng MPD-Homicide Section, naganap ang nasabing insidente, nitong nakaraang Huwebes ng bandang 10:40 ng umaga (July 5) habang nagpaalam umano kay PO3 Eduardo Doleton na siyang imbestigador ng MPD-Ermita Police Station 5, para gumamit ng banyo.

Gayunman, nagtataka umano si Doleton, kung bakit hindi na lumabas sa banyo ang biktima, kaya naisipan nitong distrungkahin ang pinto at tumambad ang nakabitin gamit ang sling ng shoulder bag ng biktima.

Mabilis namang naisugod sa Philippine General Hospital si Mendoza, subalit isang araw pa lamang inoobserbahah nang bawian ito ng buhay dakong 9:57 ng umaga.

Inaresto si Mendoza sa kasong Estafa, nitong nakaraang Miyerkules ng hapon. (Rene Crisostomo)