Bebot nainip sa ayuda nagtulak, hulog sa selda

Bebot nainip sa ayuda nagtulak, hulog sa selda

April 7, 2021 @ 3:30 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Isang bebot na sinasabing nainip na sa pagdating ayuda para sa mga apektado ng ipintutupad na enhanced community quarantine ang natiklo sa buy-bust operation sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Swak sa hoyo si Rubyleen Gonzalez, 36, ng De Gula Compd., Gen T. De Leon.

Nakasagap ng impormasyon ang mga parak ukol sa ginagawang pagtutulak ng suspek sa nasabing lugar kaya’t ikinasa ang operasyon laban kay Gonzales.

Nang makaliwaan ng epektus at marked money ay dinamba na ng mga parak si Gonzales, at narekober sa kanya ang  tatlong gramong shabu na P20,400 ang halaga, buy-bust money, P300 salapi, pouch at isang cellular phone.

Ayon sa impormasyong nakalap, hindi na umano nahintay ni Gonzales ang ayudang ipamamahagi dahil habang nagbibigayan na sa Caloocan, Malabon at Navotas ay maglalabas pa lang ng panuntunan ang lungsod ng Valenzuela. Merly Iral


  •  
  •  
  •