Bebot sa Caloocan tiklo sa illegal na droga

Bebot sa Caloocan tiklo sa illegal na droga

December 3, 2022 @ 3:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiklo ang isang babae na listed most wanted matapos ang isinagawang manhunt operation ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa Caloocan City.

Kinilala ni NPD Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr., ang naarestong suspek na si Rosalie Parian, 47, residente ng Brgy. 173 ng lungsod.

Base kay Col. Peñones, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng DSOU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Erosito Miranda na nakita ang suspek sa NPC Lower, St., Cruz Compound Brgy. 173.

Alinsunod at pagtugon sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted persons, agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Parian bandang alas-10:00 ng umaga.

Inaresto si Parian sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Victoriano Bañez Cabanos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 127, Caloocan City sa paglabag sa Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drugs) of Art. II of R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). R.A Marquez