Bebot sa Indonesia, isang oras lang nagbuntis

Bebot sa Indonesia, isang oras lang nagbuntis

July 27, 2020 @ 2:03 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Indonesia – Nanganak ang isang babae mula sa Indonesia makaraang mapaulat na isang oras lamang siya nagbuntis.

Kinilala itong si Heni Nuraeni, 30-anyos.

Ani Heni, noong July 18, napansin niyang lumolobo ang kanyang tiyan at nakararanas na ng muscle cramps.

Agad naman itong nasundan ng ora mismong panganganak.

Kwento nito, 19 buwan na walang nangyayari sa kanilang mag-asawa.

Bigla na lamang niya naramdaman na may gumagalaw umano sa kanang bahagi ng kanyang abdomen at nakaramdam na rin ng cramps.

“I asked a neighbor to take me to my father’s house and about an hour later we called a midwife and I gave birth,” lahad pa nito.

Lahad pa ni Heni, hindi siya nakaranas ng kahit anumang sintomas tulad noong ipinagbubuntis niya ang dalawang naunang anak.

Bukod pa rito, nagkakaroon din siya ng buwanang dalaw kung kaya’t hindi niya akalain ang pagbubuntis.

Sa loob ng 19 buwan ay iniwasan nila ng kanyang asawa ang pagtatalik dahil sa ilang rasong pangmedikal.

Kinumpirma naman ni Zalkap Drasman, head ng Puspahiang Sub-District ang naturang insidente.

“This is what makes this incident strange but true, but we are grateful because with God’s will anything can happen,” ani Zalkap. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...