Bebot sabog-bungo sa kapitbahay

Bebot sabog-bungo sa kapitbahay

January 20, 2022 @ 8:33 AM 7 months ago


CANDELARIA, QUEZON- Butas ang noo ng isang babae matapos barilin ng kanyang kapitbahay habang nakatayo ang una sa tapat ng bahay ng kaanak ng huli, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Edelyn Tacod, 24-anyos, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Eduardo Lorzano alyas Cocoy, at kapwa residente ng Sitio Tibanglan, Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.

Batay sa report ng Candelaria Police Station, bandang 7:00 PM naganap ang krimen sa harapan ng bahay ng isang Nylin Lorzano ng nasabing lugar.

Bigla na lamang dumating ang suspek na armado ng baril at binaril ang noo ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico