Bebot tiklo sa P1.3M shabu sa Talisay City

Bebot tiklo sa P1.3M shabu sa Talisay City

January 14, 2022 @ 11:31 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Arestado ang 43-anyos na babae makaraang makuhanan ng P1.3 milyong shabu noong Enero 13, 2022 saTangke, Talisay City.

Kinilala ang suspek na si Catalina Agustin na residente ng Barangay Mambaling sa Cebu City.

Si Agustin ay nasa listahan ng high-value individual sa iligal na droga.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakikipagtransaksyon si Agustin sa isang inmate ng Cebu City Jail Male Dormitory.

Samantala, bineberika pa ang naturang impormasyon.

Sa ngayon, nakapiit na si Agustin sa Talisay City Police Station. RNT/FGDC