Bebot tiklo sa P170K shabu sa Caloocan

Bebot tiklo sa P170K shabu sa Caloocan

January 31, 2023 @ 4:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang babae na hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng umano’y shabu nang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang naarestong suspek bilang si Jamelah Casim, 36 at residente ng Brgy. 188.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-NPD) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police ng joint buy bust operation sa Domato Ave. Phase 12, Barangay 188.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon kay Casim ng P8,500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa police poseur-buyer ay agad siyang dinakip ng mga operatiba.

Nakumpiska kay Casim ang dalawang heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000 at buy bust money na isang P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money.

Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez