Bebot tiklo sa P5.2M ‘shabu’ sa Ormoc drug bust

Bebot tiklo sa P5.2M ‘shabu’ sa Ormoc drug bust

December 12, 2022 @ 7:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nahuli ang isang babae matapos makuhanan ng P5.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Ormoc City, sabi nitong Linggo, ayon sa mga awtoridad.

Base sa kapulisan, ikinasa ang operasyon noong Biyernes sa Barangay Linao, kung saan nahuli ang 44-anyos na si alyas “Madam Lyka.”

Nasamsam umano sa suspek ang 59 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may street value na tinatayang aabot ng P5,222,400.

Nakuha rin umano sa suspek ang P500 na buy-bust money at sling bag.

Ikinasa na laban sa suspek ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. RNT/SA