Bebot timbog sa P1M bato

Bebot timbog sa P1M bato

March 17, 2022 @ 2:05 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nadakma nang pinagsanib na pwersa ng  Philippine Drug Enforcement Agency Central Luzon, Clark Inter- Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs Port of Clark, at PNP ang isang babae matapos ang isinagawang drug operation kagabi sa lungsod ng Caloocan.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva  ang nadakip na si Charlene Nworisa  na naninirahan sa Villa Crystal Phase 1, Bagumbong Dulo, Caloocan City.

Base sa ulat, pasado 7:00 ng gabi nang  isinagawa ang drug operation sa mismong tahanan ng suspek.

Lumalabas na Marso 12 nang dumating ang controlled delivery package sa Pork of Clark na nagmula sa Kuala Lumpur Malaysia at ito’y pawang mga laruan na pigurin.

Dahil sa kahina-hinala ang bagahe ay agad na isinailalim ito sa proseso ng X-ray at field testing gamit ang Rigaku Progency at natuklasan  ang 31 translucent plastic  na mga pouch na naglalaman ng puting crystalline substance na tumitimbang ng 1,000 grams at may halaga na 6.9M na isinilid sa butas ng mga pigurin.

Isang ahente ng PDEA ang nagpanggap na delivery boy at hinatid nito ang package sa tahanan ni Nworisa at nang  kunin nito ang padala ay dito na siya pinosasan ng mga awtoridad.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz