Bebot tinawag na mukhang coronavirus; alaskador pinagmulta ng korte

Bebot tinawag na mukhang coronavirus; alaskador pinagmulta ng korte

January 18, 2023 @ 8:28 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pinagmulta ang isang lalaki sa Japan matapos na mang-insulto sa isang babae na tinawag niyang mukhang coronavirus.

“You’ve got a face like the coronavirus” sambit ng lalaking pinagmulta ng Fukuoka Summary Court noong Martes.

Ayon sa desisyon, ininsulto sa publiko ng lalaki sa Sasebo City, Nagasaki Prefecture, ang babae na sasakay sa eroplano sa Fukuoka Airport noong Pebrero 2021.

Ito ay matapos nang naunang sitahin ng babae ang lalaki dahil wala itong suot na face mask.

Ang lalaki, na 68 taong gulang at nagmamay-ari ng isang kumpanya, ay kinasuhan ng paninirang-puri.

Sa desisyon, napag-alaman ng korte na ginawa nga ang pahayag at sinentensiyahan ang lalaki ng multa na ¥9,000, gaya ng hiniling ng mga tagausig. RNT