Bebot umutang ng P300 sa tanod, ginahasa

Bebot umutang ng P300 sa tanod, ginahasa

July 21, 2022 @ 9:50 AM 4 weeks ago


MANDAUE, Cebu- Hindi inakala ng isang dalagita na mapahamak siya sa takbuhan niya ng tulong matapos siyang gahasain ng barangay tanod nitong Miyerkules sa bayang ito.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng Police Station 1 Mandaue City Police Office (MCPO) nadakip ang suspek na kinilalang si Diosdado Gesta, 56, hepe ng mga barangay tanod sa Labogon, ng nasabing bayan.

Ayon kay Police Lieutenant Jessie Tañola, deputy station commander sa Station 1-MCPO, dakong 2:00 PM naganap ang panggahasa ng suspek sa isang lodge inn sa nasabing bayan.

Batay sa reklamo ni Nena, (di-tunay na pangalan) sa tanggapan ng Women’s Children Protection Desk (WCPD), hapon ng Hulyo 18, 2022 nagtungo siya sa barangay hall para ireklamo ang kanyang kinakasama dahil sa pananakit.

Naabutan niya ang tatlong barangay tanod kabilang si Gesta subalit sinabihan ng suspek ang mga kasama nito ipaubaya na sa kanya si Nena at siya na lamang ang magdadala sa ospital.

Subalit sa halip na sa ospital siya dadalhin ay dinala siya sa lodging inn at doon pinagsamantalahan.

Sinabi pa ni Nena, binigyan siya ng suspek ng P300 at sinabihan na huwag ipagsabi ang nangyari at muli na silang magkikita.

Kaagad naman nagsagawa ng operasyon ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at posibleng maharap sa patung-patong na kaso./Mary Anne Sapico