Beer na ihi ng tao, patok sa Singapore, ibang bansa

Beer na ihi ng tao, patok sa Singapore, ibang bansa

May 27, 2022 @ 7:45 AM 1 month ago


PATOK na patok ang beer na pangunahing naggagaling sa ihi ng tao

sa bansang Singapore at inilalako rin sa ibang bansa.

Ayon sa mga awtoridad, may sangkap na German barley at Norwegian yeast o pampaalsa ang beer na ihi ngunit ang tubig nito ay 95 porsyentong galing sa kanal ng mga ihi.

Sa katotohanan umano, 20 taon nang ginagawang tubig inumin ang ihi at may tatak na NeWater ito.

Ang NeWater ang inilalagay na tubig ng beer at itinuturing itong isa sa mga pinakanatural o greenest drink.

Kasabay ng paggawa sa ihi na inuming tubig, nagdidiskubre pa ang Singapore ng ibang paraan para magkaroon ng tubig inumin lalo’t dumarami umano ang populasyon nito na nangangailangan ng tubig.

Nanggagaling umano sa Malaysia ang talagang tubig subalit 50 porsyento lang umano ng populasyon ang nasusuplayan nito. Kris Jose