Beermen tatapusin ng TnT sa Game 6

Beermen tatapusin ng TnT sa Game 6

October 14, 2021 @ 8:26 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Target ng TnT Tropang Giga na dispatsahin na sa Game 6 ang San Miguel Beermen upang tuluyan nang pumasok sa finas ng ginaganap na 2021 PBA Philippine Cup.

Nitong Miyerkules ay nakuha ng TnT ang panalo sa Game 5 kontra SMB, 110-90,  para maisukbit ang kartadang 3-2 sa best-of-seven semifinals sa larong ginanap sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Sa pagpasok ng first quarter hanggang 4th quarter ay hawak na ng TNT ang kalamangan na umabot pa ng 28 points.

Bumida sa panalo ng Tropang Giga ang beteranong si Jayson Castro na kumamada ng 19 points at walong assists habang umambag si Mikey Williams ng 19 points.

Tumulong din ng 17 points at walong rebounds si Troy Rosario habang mayroong 12 points si Kelly Williams.

Nanghinayang naman si Beermen star center June Mar Fajardo dahil nasayang ang kanyang pinasabog na 23 points at 12 rebounds sa naging pagkatalo kontra TnT.Rico Navarro


  •  
  •  
  •