Beermen tinibag ang Meralco

Beermen tinibag ang Meralco

October 28, 2020 @ 9:26 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

PAMPANGA – Ipinakita ng San Miguel Beermen ang puso ng pagiging five-time depending champion matapos itumba ang Meralco Bolts, 89-82, sa paghaharap nila sa elimination round sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa bubble sa Angeles University Gym sa Angeles, Pampanga.

Nagparamdam ang Beermen sa 4th quarter matapos isalpak ang ilang three- pointers para habulin ang 13 points na itinambak ng Bolts sa 3rd quarter.

Lumamang ang reigning champion nang ipasok ni Von Pessumal ang isang jump shot para basagin ang 71-all deadlock.

Naipanalo ng San Miguel ang ikatlo nilang diretsong laban upang ma-imprub ang record sa kartadang 4-2 at tumabla sa 3rd place kasama ang Barangay Ginebra.Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...