Bela Padilla apologizes to Kim Chiu for Gerald Anderson joke

Bela Padilla apologizes to Kim Chiu for Gerald Anderson joke

August 5, 2018 @ 4:45 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sa guesting nina Bela Padilla at Kim Chiu sa Gandang Gabi Vice (GGV) last July 22, na-offend raw ang ilang fans ni Kim dahil na-off sila sa naging biro nina Bela at Vice nang lumabas ang larawan ng ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson sa segment na ‘Tanong Mo Mukha Mo’.

Nang makita raw niya ang mga comments ng mga netizen the following day, nagtext raw siya kay Kim.

“Siyempre, iba rin yung pagka-edit sa napapanood namin,” she said. “Ang dami niya ring ibinuking sa akin.”

Anyway, the press had a field day interviewing Bela at the grand presscon of her movie with JC Santos, The Day After Valentine’s last Thursday.

Katulad ni Kim, nilinaw ni Bela na hindi sila nagkapikunan sa biruan nila sa GGV.

May mga bagay raw siyang hirap itanong kay Kim at maging ito man sa kanya.

Kaya laking gulat raw niya nang mabasa ang negative reactions ng mga fans.

“Nagulat nga ako kasi hindi naman ako yung nag-joke,” she said. “Si Vice naman yung nag-joke, pero ako yung napagbuntunan.”

But Bela understood the feelings of the fans.

“Naiintindihan ko rin kasi fans iyan,” she said in earnest. “Iba yung bugso ng damdamin nila.

“Kapag may naiisip sila, nasasaktan talaga. I understand.”

Anyway, talking about their movie The Day After Valentine’s, kinunan ang ilang bahagi nito sa napakagandang isla ng Hawaii na nakatitiyak kaming would add up to the different mood and vibes of the movie.

Idagdag pa rito ang heart-tugging soundtracks that includes the song Akala as interpreted by Miss Marion Aunor, Tagpuan by John Roa, Pag-ibig Lang of The Juans, Feel of Jameson Tenorio and Ian Ancajas, and For the Rest of My Life as interpreted by Bela Padilla herself.

Mapanonood nga pala ito in cinemas nationwide on August 15.

DAPAT LANG!
PETE G. AMPOLOQUIO, JR.