Bela, sinupalpal si Jinggoy, may hanash sa gobyerno!

Bela, sinupalpal si Jinggoy, may hanash sa gobyerno!

October 22, 2022 @ 4:40 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Wala sigurong mas may karapatang umalma sa gustong mangyari ni Senator Jinggoy Estrada na ipa-ban ang mga K drama kundi si Bela Padilla.

In fairness though to the lawmaker, kumambyo naman siya the very next day at ipinaliwanag na nasabi lang daw niya ‘yon out of frustration.

Ang kanya lang daw ay mabigyan ng equal opportunity ang mga Pilipinong manggagawa na nawawalan ng trabaho dahil sa importation ng K drama.

The latest to have joined the group na hindi sang-ayon sa mungkahi ng senador ay ang actress-director na si Bela.

Ayon sa kanyang post sa Twitter, naroon siya ngayon sa South Korea doing a Filipino film.

Doon daw niya napagtanto ang malaking kaibahan ng mga galawan dito sa bansa at doon.

Sadly, kulang daw sa government support o funding ang mga likha natin.

Salungat daw ‘yon sa South Korea na suportado nito ang mga direktor, manunulat at iba pang mga kasama sa produksyon para mapaganda ang kanilang produkto.

No wonder daw kung naaadik ang mga kababayan natin sa K drama.

Ganito rin ang pananaw ng frontman ng grupong Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na sinegundahan ni Pokwang.

Pero tagos-tagusan ang huling linya ni Bela.

Aniya, “Kaya siguro hindi tayo umaasenso, ayaw kasi natin ng mga taong masasaya. Nakakahiya.”

Samantala, ang posisyon naman ng kadugo ni Bela na si Senator Robin Padilla ay huwag i-ban ang mga K drama kundi patawan ng buwis.

Looking at the bigger picture, hindi naman pagkalulong ng mga Pinoy sa K drama ang problema.

Magpakatotoo tayo! Ronnie Carrasco III