Bela, tagasalo ni Nadine!

Bela, tagasalo ni Nadine!

January 17, 2023 @ 9:16 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Hindi alintana ni Bela Padilla kung tagasalo man siya ng pelikulang dapat sana’y intended for Nadine Lustre.

Ito ‘yung Pinoy adaptation ng Korean hit movie na Spellbound.

Isa itong romantic comedy kung saan si Marco Gumabao ang katambal ni Bela.

Mula ito sa Viva Entertainment which was supposedly intended for James Reid whose role landed on Marco’s lap.

Bale taong 2020 pa ito nang simulang gawin, kaso nagkataong inabutan sila ng Taal Volcano eruption.

To make matters worse, nu’ng taon ding ‘yon nanalasa ang pandemya with the onslaught of Covid-19.

Last year when shooting resumed, and it’s now in the can.

Pre-Valentine offering ito ng Viva.

Nasa London pa si Bela ngayon but she’s scheduled to come home for the promo of the movie.

All praises naman ang actress cum screen writer cum film director kay Marco who acquitted himself daw sa role bilang magician.

Kinailangang mag-workshop ni Marco to prepare him for the role.

Tinotoo nga ni Nadine ang pangakong ayaw na niya nang may ka-loveteam sa pelikula.

That time ay hiwalay na rin kasi sila ni James.

Samantala, napuri naman si Bela nang aminin niyang naranasan na rin pala niyang ma-ghosting.

May idine-date daw na guy noon si Bela na basta na lang daw nawala’t sukat for no apparent reason at all.

Panay pa nga ang tanggi noon ni Bela na she was dating a guy, saying na kaibigan lang daw niya ‘yon.

Pero blessing in disguise na rin dahil dumating naman sa buhay niya ang British guy na si Norman Bay who ended up her boyfriend.

Na-“spellbound” ni Bela? Ronnie Carrasco III