Belga inakusahang babaero, nambubugbog ng asawa

Belga inakusahang babaero, nambubugbog ng asawa

February 2, 2022 @ 3:19 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inakusahan ng asawa si Rain or Shine big man Beau Belga ng umano’y pagtataksil, pang-aabuso, at kawalan umano ng sustento sa kanyang pamilya.

“Sino ba ang mag-aakala na kahit na matapos ang halos 16 na taon, kalahati ng buhay ko, na magkasama, ang lalaking mahal at pinagkakatiwalaan ko sa buhay ko ang siyang maglalagay sa aming pamilya sa matinding panganib?” ayon sa post ni Queenie Manalo-Belga sa isang Facebook story noong February 1.

Sa parehong araw, humingi rin siya ng interbensyon sa sikat na palabas sa TV5 na Raffy Tulfo In Action, at humingi ng legal na tulong.

Inakusahan ni Manalo-Belga, 32, ang 6-foot-5 na si Belga ng pagtataksil at iginiit niyang nagpatuloy pa ito mula noong nakaraang taon.

Nagsimula rin ang kanyang mga pampublikong post sa Facebook hinggil sa isyu noong Nobyembre 30, 2021. Ibinalita niya na nagkakaroon sila ng mga isyu matapos na pumasok si Belga sa PBA bubble kamakailan.

“Okay naman kami before siya umalis sa bubble. May tumatawag sa kanya before that, kaya may agam-agam sa akin napapaisip ako,” wika nito. “Pinaalis kasi nananakit siya tuwing nagbabalak ako umalis tuwing may nahuhuli akong nilalandi.”

Hindi rin daw siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng pribado ang kanyang asawa habang patuloy na tinatanggihan ni Belga ang anumang tawag/mensahe mula sa kanya.

“Nung una gusto kong makipagusap pero ngayon hindi na. Never po kami nagusap. I tried talking to him, I called him, called his friends, yung in-laws ko hindi ko pinansin. Umiiwas siya,” hirit ng babae.

Si Manalo-Belga ay pursigido sa pagsasampa ng legal na kaso laban sa PBA player.Rico Navarro