Belgian tennis star sapul ng COVID-19 sa Aussie Open

Belgian tennis star sapul ng COVID-19 sa Aussie Open

January 24, 2022 @ 1:56 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Naka-isolate na si Belgian tennis player Alison Van Uytvanck matapos dapuan ng COVID-19 sa paglalaro sa Australian Open.

Isiniwalat ni Uytvanck ang kanyang sinapit na kamalasan gamit ang social media matapos siyang magpositibo matapos ang paglalaro sa Australian Open.

Sa kanyang kwento, sinabi nitong sumailalim siya ng exit test sa Melbourne bago tuluyang makabalik sa Belgium.

Magugunitang hindi ito nagtagumpay sa ikalawang round ng Australian Open sa kamay ni Wang Qiang ng China.

Mild lamang ang kaniyang sintomas at inaasahan na ito ay mabilis na gagaling.

Siya na ang pangatlong manlalaro na nagpositibo sa COVID-19 na sumabak sa Australian Open.

Kinabibilangan ito nina Australian Bernard Tomic na nalaman na nagpositibo sa virus matapos ang pagkatalo kay Ugo Humbert ng France.Rico Navarro