Bello aminadong kailangang mag-sorry sa kalituhan sa ‘no vax, no ride’

Bello aminadong kailangang mag-sorry sa kalituhan sa ‘no vax, no ride’

January 19, 2022 @ 2:35 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Aminado si Labor Secretary Silvestre Bello III na kailangan nilang magpaliwanag at mag-sorry sa publiko dahil sa kakulangan sa impormasyon sa ipinatupad na ‘no vax, no ride’ policy.

 “I think there’s a reason for us to apologize to the public for that kasi, as I was telling Secretary Karlo [Nograles], kailangan pa ng massive information drive about this policy,” paliwanag ni Bello sa CNN Philippines.

Sinabi naman na hindi kasali rito ang workforce dahil sa sila ay nagsasagawa ng essential services.

Nag-ugat ang naturang paglilinaw nang di pasakayin ang partially vaccinated worker sa pampublikong sasakyan.

“Very clear na may mga implementers natin na… in their enthusiasm siguro to protect the public eh nakalimutan nila na exempted ‘yung ating mga workers,” dagdag pa ni Bello.

Nilinaw rin na ang mga hindi bakunado maging ang partially vaccinated workers ay kinakailangan lamang magpresenta ng company identification cards upang mapasakay sa public utility vehicles.

“Mas maganda sana kung meron silang  certification from their employers na sila ay empleyado and they’re reporting to office, but I think for the moment, that company ID will suffice,” giit pa ni Bello. RNT/FGDC