BELLO GUMAGANTI LANG KAY VP SARA

BELLO GUMAGANTI LANG KAY VP SARA

August 30, 2022 @ 3:12 PM 1 month ago


MUKHANG sinakyan ng Makabayan block ang diumano’y “overpriced” laptops issue sa Department of Education upang ipaghiganti ang pagkaka-aresto dahil sa libel ng kauri nilang si Walden Bello.

Para sa mga hindi nakakaalala, si Bello ang dating mambabatas na naging talunang 2022 vice presidential candidate at kritiko ng katunggali dati na ngayo’y Vice President at DepEd Secretary na si Inday Sara Duterte.

Sana harapin na lamang ni Bello ang libel na sinampa ng dating information officer ni Vice President Inday Sara na si Jefry Tupas, kesa sa magsisigaw sa likod ng mga kakampi na parang hindi tunay na lalaki na kayang manindigan.

Kampi-kampihan ang tema ng grupong Makabayan at waring pati ang mala-itlog na pulang kaalyado raw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Senator Koko Pimentel ay sasali sa pag-imbestiga sa isyu ng DepEd “overpriced” laptops.

Maalala nating pilit sinusubo kay dating Pangulong Duterte ng pangkat ni Pimentel ang kandidatura para sa pagkapangulo ni dating Senador Manny Pacquiao.

Hindi umubra ang pamimilit ni Pimentel at siya pa ang nawala sa partidong tinatag ng kanyang amang si dating Sen. Aquilino “Nene” Pimentel.

Ganun talaga ang istilo ng mga kaliwang organisasyong inugnay ni Joma Sison sa teroristang CPP NPA NDF, gagawa ng ingay at gulo para mapagkaisahan na itaob ang kalabang duly elected officials. Sa ingay at gulo lang sila magaling, at kapag nakuha na ang gusto eh iiwanang watak-watak at pobre pa rin ang dati sana’y maayos, may asenso, at mapayapang mamamayan.

Sa isyu naman ng overpriced laptop na sapilitang idinidikit sa pangalan ni Inday Sara, ginawa lamang ng malisyosong interpretation ang Audit Observation Memorandum bilang 2022-08 (2021) na nilabas noong April 27, 2022.

Taliwas sa nilabas na balita, hindi overpriced at sumunod sa specifications ng PS-DBM ang P2.4 bilyon na halaga laptop na para sa teachers ng DepEd. Ayon sa news release ng joint venture of Sunwest Construction and Development Corporation at LDLA Marketing & Trading, Inc. na nag-supply ng laptop:

The group said the laptop sets are priced competitively based on the required specifications taking into account the cost of the unit, peripherals, software, commercial grade durability, comprehensive 36-months warranty and technical support anywhere in the Philippines, including nationwide delivery and other add-ons. This also includes customization of the items/units as required by DepEd.

“The public should also note that the Dell Latitude 3420 laptops delivered to the government were custom-built direct from the factory and according to the requirements needed by DepEd and therefore cannot be easily equated to a regular off-the-shelf consumer unit. It is inaccurate and unfair to say that the offered price is for the laptops alone,” the group added.

Sana mabasa ng publiko ang AOM ng COA sa DepEd laptop para makitang ang COA pa mismo ang namimilit lagyan ng obsolete na processor ang mga laptop kesa sa pinakabago’t mas mabilis na processor.

Bukod pa riyan sa maling unawa ng COA sa ballistic nylon na laptop bag sa mas matibay na polyester na laptop bag.

Tila rin nag-hang ang utak ng COA sa Microsoft Software licensing ng Dell at pilit na pinapa-specify ang model ng computer kung saan ikakarga ang Microsoft Software.

Lahat ng ito ay pawang mga gamunggo na issue na pilit pinalalaki ng tropa ni Bello para lang gantihan si VP Inday Sara.