Bello, hinamon ang mga kritikong magsampa ng kaso

Bello, hinamon ang mga kritikong magsampa ng kaso

July 19, 2018 @ 11:28 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hinamon ni Labor Secretary Silvestre Bello lll ang kanyang mga kritiko na magsampa ng kaso kung mayroong mga matitibay na ebidensiya laban sa kaniya.

Ayon sa kalihim, tukoy na niya kong sino ang mga nasa likod ng paninira o demolition job laban sa kaniya na tinawag niyang mga ahas at cobra.

Bagaman hindi pa pinangalanan ni Bello ang mga nasa likod ng paninira sa kanya ngunit kanyang tiniyak na interesado ang mga ito sa kanyang posisyon.

Matatandaang sinabi noon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na buo ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulong Duterte kay Bello sa kabila na isinasangkot ang kalihim sa kontrobersiya  lalo na sa kuwestiyonableng i-DOLE card.

Sinabi ni Bello na libre ang i-DOLE card na magsisilbing all-in-one I.D ng mga Overseas Filipino Workers na maaring gamitin sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)