Bello hinimok ang business sector na kumuha ng safety seal

Bello hinimok ang business sector na kumuha ng safety seal

June 2, 2021 @ 4:32 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga business sector sa pribadong establisyimento na kumuha ng kanilang safety seal.

Sinabi ng kalihim na ang mga negosyo na nagtataglay ng safety seal ay tinitiyak na sumusunod sila sa minimum health protocols, gaya ng social distancing at paggamit ng contact-tracing application, partikular ang StaySafe.PH application, at iba pa.

Ang StaySafe.PH ay ang  official health condition reporting ng bansa, cvontact tracing at social distancingsystem na otorisado ng Interagency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases and the National Task Force Against COVID-19.

“With the safety seal certification program in place, we are assuring the public, especially our workers, that they are safe and protected outside their homes, even if we allow our economy to fully reopen,” ayon pa sa kalihim.

“While the application is voluntary, I highly encourage our private business owners to seek for the safety certification to help increase public confidence,” hikayat pa ng kalihim at sinabing ang pagkuha ng safety seal ay walang bayad.

Maglalabas ang DOLE ng sertipikasyon para sa sa mga establisyimento sa manufacturing, konstruksyon, utilities, impormasyon at komunikasyon at  warehousing industries.

Ang iba pang mga itinalagang may otoridad sa pag-isyu ay ang Department of Trade and Industry, Department of Tourism, Department of Interior and Local Governance, Philippine National Police, at iba pang  local government units.

Sinabi rin ni Bello at ni Assistant Secretary and Bureau of Working Conditions Ma. Teresita Cucueco na ang safety seal ay magpapalakas din ng kumpiyansa ng manggagawa sa kaligtasan sa kanilang pinagtatrabahuhan.

“If their companies comply with the minimum public health standards, protocols, and other requirements of the safety seal, workers would be more confident to say that ‘yes, our workplace is safe and when I go to work, I will be assured that my risk to acquire COVID will be very low,’” pahayag ni Cucueco.

Upang matiyak ang mahigpit at patuloy na pagsunod sa mga health protocol, ang sertipikasyon ay magiging wasto lamang sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng paglabas nito, maliban sa mga establisyimento sa turismo na kung saan ang mga sertpikasyon ay may bisa sa loob ng isang taon- at kailangang i-update isang buwan bago matapos ang expiration.

Ang mga establisyimento nan ais mag-apply ng safety seal  certification ay maaring bisitahin ang SAFETY SEAL CERTIFICATION o mag-inquire sa pamamagitan ng  DOLE Hotline 1349. Jocelyn Tabangcura-Domenden