Bello: Mas maraming trabaho sa Canada magbubukas para sa Pinoy

Bello: Mas maraming trabaho sa Canada magbubukas para sa Pinoy

March 16, 2022 @ 6:30 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas maraming oportunidad sa trabaho sa Canada ang ibibigay para sa mga Pilipino.

Kasalukuyang nasa Canada si Bello para pumirma ng mga bilateral labor agreement para sa mga trabaho sa Ontario at Yukon para sa mga Filipino.

Ang mga dayuhang manggagawa sa Canada ay maaari ring maging karapat-dapat para sa isang resident visa, sabi ng ulat.

Samantala, sa Germany, ang mga Filipino healthcare worker na nagsilbi sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay nakatakdang makinabang mula sa COVID care bonus ng gobyerno ng Germany, inihayag ng Department of Labor and Employment noong Martes. RNT