BELLO, PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG “FREE BISIKLETA” SA CVMC FRONTLINE WORKERS

BELLO, PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG “FREE BISIKLETA” SA CVMC FRONTLINE WORKERS

February 9, 2022 @ 10:39 PM 8 months ago


PINANGUNAHAN ni DOLE Secretary Silvestre ‘Bebot’ H. Bello III ang pamamahagi ng bisikleta sa pamamagitan ng proyektong Free Bisikleta (FreeBis) ng labor department sa Cagayan State University (CSU) Andrews Campus Gymnasium noong Pebrero 4, 2022.

May 199 benepisyaryo mula sa mga miyembro ng pamilya ng mga manggagawa ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang tumanggap ng mga nasabing bisikleta, na may kasamang helmet, raincoat, thermal bag, water bottle at tig-P5,000 load.

“Dahil sa inyo mga frontline worker at ang inyong alaga at suporta, marami sa mga nagka-COVID ang nakaligtas kaya dapat lamang na kayo ay tulungan,” wika ni Secretary Bello sa Ybanag, na tumutukoy sa paglilingkod ng mga healthcare worker sa panahon ng pandemya.

Samantala, pinasalamatan ni Dr. Matthew Baggao ang DOLE para sa tulong na ibinigay, kung saan kanyang binanggit na malaking tulong ito sa mga benepisyaryo na naghahanap ng paraan upang kumita.

“Maraming salamat sa DOLE at kay Secretary Bello sa agarang pagpuno sa mga pangangailangan ng mga pamilya ng ating healthcare workers,” pahayag ni Dr. Baggao.

Binuo ng DOLE ang konsepto ng proyektong FreeBis bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa sa impormal at pormal na sektor na naapektuhan ng pandemya, upang mabawasan ang unemployment sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong oportunidad pangkabuhayan.

-ooOoo-

DOTr MAY BAGONG APP PARA SA MGA AKSIENTE SA LANSANGAN 

Inilunsad ng DOTR o ng Department of Transportation ang bagong incident reporting app at central command center na ang layunin ay mabilis na matugunan ang nagaganap na hindi inaasahang aksidente sa lansangan.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang bagong app ay upang matugunan ang tumataas na aksidente sa lansangan na matagal nang problema ng mga motorista sa bansa at mabilis na matulu­ngan ang sino mang magiging biktima.

Tatawagin ang mobile app na “citisend” na magsisilbing direktang linya ng mga motorista sa LTO o sa Land Transportation Office upang agad na matugunan ang ano mang  aksidente sa lansangan.

Katuwang ng DOTr sa programa ang PNP o Philippine National Police Operations and Control Center at ang LTO.

Ngayon pa lamang ay malugod na nagpapasalamat ang maraming motorista sa magandang programang ito ng DOTr.