Belo, nawalan ng kliyente, nadamay kay Alex!

Belo, nawalan ng kliyente, nadamay kay Alex!

January 22, 2023 @ 9:30 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Sa halip na si Alice Dixson ang bumida sa comment section patungkol sa interview ni Dra. Vicky Belo sa Instagram ay sumentro ang mga kuda ng mga netizen kay Alex Gonzaga.

Ang pagiging ina ni Alice kay Aura by surrogacy ang paksa ng panayam ng lady doctor.

For the record, it was upon Belo’s recommendation that Alice see her doctor na responsable rin sa pagkakaroon nito ng anak kay Hayden Kho using the same process.

Pero na-upstage ang lahat ng ito nang masingitan ng mga comments tungkol kay Alex.

Obyus na hindi pa humuhupa ang isyu involving Alex kahit nagsori na ito sa waiter na pinahiran niya ng icing ang noo.

Naikunek ng mga anti-Alex kay Belo ang dapat sana’y moment para kay Alice since siya naman ang subject.

Nagkataon pang close si Belo kay Alex, for which the netizens clearly resent.

Sey ng isang anti-Alex: “Please don’t collaborate anymore with that girl. She will only ruin your good image, your good heart and positive vibes.”

Still another netizen posted: “Don’t ever get close to Alex, she’s a bully.”

But of all the comments, ito marahil ang hindi inaasahan ni Belo.

Nakataya na kasi mismo ang pinaghirapang negosyo ng lady doctor.

Post ng netizen: “I’ve switched to Dra. Aivee for my appointments.”

In short, lumipat na ng ibang clinic ang netizen na dating parokyano ni Belo.

Kumbaga, damay rin ang misis ni Hayden Kho sa cancel culture na ipinalalasap nila kay Alex.

Damay-damay na ‘to? Ronnie Carrasco III