Belt and Road Initiative ng Tsina tatapatan ng G7; $600B puhunan ikakasa

Belt and Road Initiative ng Tsina tatapatan ng G7; $600B puhunan ikakasa

June 27, 2022 @ 9:03 AM 2 months ago


GERMANY – Tatapatan ng Group of Seven o grupo ng mga mayayamang bansa na makalikom ng $600 bilyon sa pribado at pampublikong pondo sa loob ng limang taon para tutustusan ang mga kinakailangang imprastraktura sa mga developing countries at kontrahin ang mas lumang proyektong Belt and Road ng Tsina, multitrillion-dollar.

Tinawag na “Partnership for Global Infrastructure and Investment,” na inilunsad ni U.S. President Joe Biden at ng iba pang lider ng G7 sa kanilang taunang pagtitipon na ginanap sa Schloss Elmau sa southern Germany.

Nasa $200 bilyon ang iaambag ng US, pagsisiguro ni Biden sa nasabing pagpupulong. Kukunin ang pondong ito mula sa pederal na pondo at mga pribadong pamumuhunan sa loob ng limang taon upang suportahan ang mga proyekto sa low-to-middle income countries para makatulong sa pagresolba sa climate change pati na rin sa pagpapabuti ng global health, gender equality at digital infrastructure.

“I want to be clear. This isn’t aid or charity. It’s an investment that will deliver returns for everyone,” Biden said, adding that it would allow countries to “see the concrete benefits of partnering with democracies.”

Sinabi ni Biden na daan-daang bilyong karagdagang dolyar ang maaaring magmula sa mga multilateral development bank, development finance institution, sovereign wealth fund at iba pa.

Ang Europe naman ay magpapakilos ng 300 bilyong euro para sa inisyatiba sa parehong panahon upang bumuo ng isang napapanatiling alternatibo sa pamamaraan ng Belt and Road Initiative ng China, na inilunsad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong 2013, sinabi ni European Commission President Ursula von der Leyen sa pagtitipon.

Nag-commit din naman ang mga pinuno ng Italy, Canada at Japan tungkol sa kanilang mga plano. Ang Pangulo ng France na si Emmanuel Macron at ang Punong Ministro ng Britanya na si Boris Johnson ay hindi nakadalo sa pulong, ngunit sinigurong sasali sa nasabing proyekto.

Kasama sa investment scheme ng China ang pag-unlad at mga programa sa mahigit 100 bansa na naglalayong lumikha ng modernong bersyon ng sinaunang ruta ng kalakalan ng Silk Road mula Asya hanggang Europa. RNT