42 patay sa COVID; 3,484 bagong kaso naitala

August 16, 2022 @7:51 AM
Views:
3
MANILA, Philippines – Dagdag na 3,484 bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ang naitala nitong Lunes dahilan pa umabot na sa kabuuang 3,835,422 ang bilang ng naturang sakit.
Batay sa pinakahuling bulletin ng Department of Health (DOH), bahagyang bumaba ang active infections sa bansa sa 38,982 matapos ang tatlong sunod na araw ng mahigit 40,000 active cases.
Karagdagang 4,473 indibidwal ang naka-recover mula sa viral disease, na tumaas ang kabuuang recoveries sa 3,735,362. Ang bilang ng mga namatay ay tumaas din ng 42 hanggang 61,078.
Naitala ng Metro Manila ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na 14 na araw na may 15,888.
Sinundan ito ng CALABARZON na may 10,148 at Central Luzon na may 5,276. Ang Western Visayas ay nagmonitor ng 2,823 na kaso habang ang Cagayan Valley ay nag-ulat ng 2,388 na bagong impeksyon.
Sinabi ng DOH na 16,131 indibidwal ang nasuri para sa coronavirus noong Linggo, Agosto 14.
Tatlong daan at limampu’t pitong testing lab ang nagsumite ng kanilang mga resulta sa parehong petsa. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Mas mabigat na parusa sa sugar hoarders hirit ng solon

August 16, 2022 @7:38 AM
Views:
4
MANILA, Philippines – Isang panukalang batas ang nakatakdang ihain ni Albay Rep Joey Salceda sa House of Representatives kung saan ituturing na economic sabotage ang agricultural cartels, hoarding at profiteering.
Ayon kay Salceda ang kanyang ihahain na panukala ay aamyenda sa Republic Act (RA) 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 kung saan isasama ang price manipulation bilang isa sa mga mapapatawan ng mabigat na parusa.
“I want to give the government the legal basis to raid hoarders and cartels, and to punish them with the full brunt of the law”pahayag ni Salceda na syang Chairman ng House Ways and Means Committee.
Ang hakbang ng solon ay kasunud na rin ng naiulat na smuggling at hoarding ng asukal.
Ani Salceda hindi lamang sa asukal may problema ang bansa pagdating sa hoardong at smuggling kundi maging sa iba pang produkto gaya ng bigas, mais,bawang, sibuyas at iba pa kaya naman kailangan na mayroong mabigat na parusa sa mga lalabag dito.
Suhestiyon ni Salceda ay magpataw ng P1M hanggang P10M parusa sa mga lalabag.
Samantala iminungkahi ni Salceda kay PAngulong Bongbong Marcos na magtatag ng Task Force on Agricultural Hoarding at magsagawa ng mga raid sa warehouse ng sugar hoarders gaya ng naging aksyon noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ani Salceda, naniniwala syang may nagaganap na hoarding at pang aabuso sa sugar market kaya tumataas ang presyo ng asukal gaying wala namang problema sa produksyon.
“I suspect abuse in the sugar market. The planters are saying harvest didn’t decline as much as the market suggests it did. Production declined by just 16%, but prices are up as much as 90% year on year. If something looks, smells, and feels nefarious, it probably is,” pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza
Higit 1500 motorista nasita sa unang araw ng expanded coding

August 16, 2022 @7:25 AM
Views:
7
MANILA, Philippines – Mahigit 1,500 sasakyan ang napagsabihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng dry run para sa expanded number coding scheme sa National Capital Region.
Aabot sa 1,549 na motorista ang pinara ng mga opisyal ng MMDA nitong Lunes, Agosto 15 dahil sa pinalawig na number coding scheme, na nagbabawal sa mga sasakyan na bumyahe sa ilang kalsada sa ilang oras minsan sa isang linggo.
Sinasaklaw nito ang mga pangunahing kalsada sa kabisera na rehiyon kabilang ang EDSA, Commonwealth, Roxas Boulevard, R1 hanggang R10, C1 hanggang C6, Alabang Zapote Road, McArthur Highway, Marcos Highway, at Mabini Street.
Sinabi ng MMDA na ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa mga sumusunod na digit ay hindi pinapayagan sa kalsada mula 7:00 am hanggang 10:00 am:
– Lunes – 1, 2
– Martes – 3, 4
– Miyerkules – 5, 6
– Huwebes – 7, 8
– Biyernes – 9, 0
Ang mga nasitang motorista ay hindi muna natikitan pero simula Huwebes, Agosto 18, ay pagmumultahin na ang mga lalabag ng P300.
“’Pag nahuli ka ng tatlong beses sa isang taon, sina-summon ka namin para mag-seminar. Sa LTO [Land Transportation Office], sinu-suspend nila yan but we’re just recommendatory. LTO na ang magdedesisyon,” ani MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija.
Idinagdag ni Nebrija na ang muling pagpapatupad ng pre-pandemic number coding scheme ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa bansa. RNT
VP Sara pabor sa P2.4B laptop deal probe

August 16, 2022 @7:12 AM
Views:
11
MANILA, Philippines – Hiniling ng Department of Education (DepEd) sa fraud audit ng Commission on Audit (COA) na silipin ang di umano’y overpriced at outdated laptops na binili para sa mga guro.
Sinabi ni DepEd Undersecretary and Chief-of-staff Epimaco Densing III na naipadala na nila ang liham para kay COA Chairperson Jose Calida.
“In the meantime, while we are not yet declaring that there is a fraudulent transaction that happened at that time, we’re also not saying that there is none… Kaya nga po ang direktiba po sa’min ni Secretary, ni VP Sara, paimbestigahan niyo na ‘yan, para makita kung mayroon bang kalokohan o wala,” ayon kay Densing.
Sinabi ni Densing na nagbigay ng basbas si Vice-President at DepEd Secretary Sara
Duterte na hilingin sa fraud audit ng COA na silipin ang pagbili sa P2.4 bilyong halaga ng laptops sa pamamagitan ng Procurement Services of the Department of Budget and Management (PS-DBM).
“Ang tinitingnan po namin ngayon is not an official investigation yet, and this is the reason why we are asking COA to do a fraud audit, the reason why it was downgraded from 1.9 gigahertz to 1.8 gigahertz. At the same time tumaas din ang presyo, and why is it [an] Intel Celeron,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, ang lahat ng mga dokumento ay kaagad na Ibinigay ng PS-DBM dahil na rin sa request ng DepEd at kagyat na naipadala na sa COA.
Sinabi ni Densing, na mas gusto ng DepEd na mismong ang kanilang team ang mangangasiwa sa pagbili ng kung anuman ang magiging pangangailangan ng departamento upang maiwasan na maulit ang kahalintulad na kontrobersiya matapos na mapuna ng COA ang 2021 report ukol sa procurement ng P2.4 billion laptops para sa online classes sa gitna ng Covid-19-pandemic.
“Kami sa execom ng DepEd, we are already one that for future procurement, we will do our procurement via our own procurement service here at the DepEd, and hopefully wala nang mga ganung klase ng budget na ibibigay out of the blue, para hindi na rin tayo dumaan sa PS-DBM,” ang pahayag ni Densing. Kris Jose
Manufacturer, distributor group pinulong ni PBBM sa sugar supply

August 16, 2022 @6:58 AM
Views:
16