Benedict XVI nailibing na

Benedict XVI nailibing na

January 6, 2023 @ 7:53 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 50,000 katao ang dumalo sa libing ng dating Pope Emeritus Benedict XVI sa St. Peter’s Square ayon sa tagapagsalita ng Vatican na si Matteo Bruni.

Ang kabaong ng yumaong Papa ay tinatakan sa isang ritwal sa St. Peter’s Basilica noong Miyerkules ng gabi, pagkatapos ng humigit-kumulang 200,000 pilgrims ay natapos na magbigay ng kanilang paggalang sa dating Papa na ipinanganak sa Aleman.

Bilang tradisyon, inilagay din sa loob ng kabaong ang pallium, mga barya pati na rin ang isang “Rogito” o Deed na nagbubuod sa mga highlight ng kanyang pagka-papa.

Kasunod ng Requiem Mass noong Huwebes, dinala ang kabaong ni Pope Emeritus Benedict XVI  sa Basilica at sa Vatican crypt para ilibing, sa unang libingan ni John Paul II.

Siya ay inilibing sa tradisyonal na triple coffin, na may mga casket na gawa sa kahoy na cypress, zinc, at oak.

Si Benedict XVI ang ika-265 na Papa. Ang kanyang alaala ay nabubuhay sa puso ng Simbahan at ng buong sangkatauhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden