Benepisyo sa health workers sa Bayanihan 2 pinasisilip

Benepisyo sa health workers sa Bayanihan 2 pinasisilip

March 14, 2021 @ 9:41 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Pinasisilip ni Senator Sonny Angara ang pamamahagi ng mga benepisyo para sa mga health worker sa ilalim ng Bayanihan 2 matapos magprotesta ang mga ito sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Sumulat si Angara kay Health Secretary Francisco Duque sa estado ng pamamahagi benepisyo para sa mga health worker.

Nagsagawa ng protesta ang mga health worker sa NKTI para sa allowance sa pagkain, transportasyon, at akomodasyon.

Nanawagan din ang mga ito na kaagad ilabas ang P82 nilyong badyet sa allowance para sa Setyembre 1 hanggang Disyembre 31 ng nakaraang taon.

Sinabi rin ng mga ito ang pagtaas ng halaga ng pamumuhay, mababang sweldo, at maliit na benepisyo sa gitna ng pandemya.

Nakasaad sa sulat ng senador kay Duque ang special risk allowance pati na kabayaran sa mga health worker na tinamaan ng sakit.

Nanawagan din ng isang probisyon si Angara para sa life insurance, akomodasyon, transportasyon, at pagkain sa lahat ng health worker sa gitna ng state of national emergency.

Naglaan ng P13.5 bilyong pondo sa Bayanihan 2 para sa mga health-related responses kung saan kasama ang P10,000 special risk allowance sa pribado at pampublikong health worker; P3 bilyon sa face masks, face shield, at personal protective equipment; at P4.5 bilyon sa konstruksyon ng quarantine facilities. RNT/ELM