Benguet pinasok ng 15 kaso ng Omicron

Benguet pinasok ng 15 kaso ng Omicron

January 28, 2022 @ 8:52 AM 8 months ago


BENGUET- Umabot na sa 15 ang naitatalang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa buong Cordillera region base sa huling rekord ng Department of Health-Cordillera.

Ayon kay Department of Health-Cordillera Assistant Regional Director at spokesperson Dr. Amelita Pangilinan, mula sa 15 na ito, 13 ang bagong kaso.

Karamihan umano sa kanila ay mga babae at karamihan din sa mga ito ang nakitaan ng mga sintomas.

Sa 15 na ito, 9 na ang naitalang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa Baguio City matapos na madagdagan ng 7 panibagong kaso ang dati’y dalawang naitatalang kaso sa naturang lungsod , tig-dadalawa naman ang Benguet, Ifugao at Mt. Province.

Base sa rekord ng DOH Cordillera, umaabot na ng 4,000 na specimen ang ipinasuri nila sa Philippine Genome Center at 969 sa mga ito ang mayroon ng resulta.

Sa 969 na ito, 279 ang Alpha variant, 85 ang Beta variant, 585 ang Delta variant, 15 ang Omicron variant at 5 na variants under monitoring. Rolando S. Gamoso