Benta ng buhay na punong Christmas tree matumal; ipinakakain sa mga hayop sa zoo

Benta ng buhay na punong Christmas tree matumal; ipinakakain sa mga hayop sa zoo

December 30, 2021 @ 7:23 AM 8 months ago


GERMANY – Nagpipiyesta ang mga hayop sa isang zoo sa Berlin sa bansang ito makaraang makaraang ipakain sa kanila ang mga hindi nabentang Christmas tree na pawang buhay na mga puno at sanga ng mga punongkahoy.

Ayon sa mga awtoridad, maganda na ring ginagawa ito upang mabawasan ang pagkalat ng basura kahit saan at matulungan na rin ang mga nangangasiwa ng mga zoo na labis na kinukulang ng pondo para sa mantinansya ngayong pandemya.

Kabilang sa mga hayop na lumalaklak ng mga Christmas tree ang mga elepante, usa, karnero, kambing at iba pa.

Ilang araw na umanong kumakain ang mga Christmas tree at busog na busog ang mga ito hanggang matapos ang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Naisipan na ipamigay na lang ng mga negosyante ang mga buhay na puno sa mga hayop makaraang maging matumal ang bentahan dito dahil sa hirap ng maraming mamamayan na dulot ng pandemya. Fred Cabalbag