Benta ng tiket sa concert ni Toni, mabagal!

Benta ng tiket sa concert ni Toni, mabagal!

January 11, 2023 @ 12:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ilang araw na lang ay gaganapin na ang 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum na pinamagatang I Am Toni.

Nakakalungkot nga lang malaman na mula sa isang source na nagtatrabaho sa coffee shop sa naturang lugar ang nagsabing mabagal umano ang usad ng bentahan ng mga ticket.

P10k plus ang pinakamahal na ticket at P898 naman ang presyo para sa general admission.

Kung paniniwalaan ang source, mukhang katulad lang ang kalalabasan ng concert sa kapalaran ng pelikula ni Toni na My Teacher na entry ng nakaraang Metro Manila Film Festival.

Nasa tailend kasi ang nasabing movie ni Toni kasama si Joey de Leon at dinirek ng asawa niyang si Paul Soriano.

Marami naman ang nagdarasal na since January 20 pa naman daw ang concert ni Toni ay baka sumipa ang ticket sales.

Ang ina niyang si Mommy Pinti at si Joed Serrano ng Godfather Productions ang mga nagprodyus nito marking Toni’s 20th year in showbiz.

May tsika pa ang source mula sa coffee shop na bumili umano ng 500 tickets si Mommy Pinty.

Hindi nga lang tiyak ng source kung tigmamagkano ang presyo ng mga tickets.

Samantala, nagbalik-tanaw si Cristy Fermin noong makasama niya sa programang Juicy sa TV5 si Alex na nakababatang kapatid ni Toni.

Ang inakala raw ni Cristy na limang ticket para sa concert ni Toni sa Araneta Coliseum na bigay ni Mommy Pinty ay pinabayaran sa kanya.

Ani Cristy, binayaran niya ang limang ticket na ‘yon at ipinamigay lang din niya.

Dahil sa mabagal na bentahan ng ticket sa January 20 concert ni Toni, kinukuwestyon ni Cristy kung nasaan na ang milyon-milyong subscriber nito sa kanyang YouTube channel.

Nabanggit din ang paglalarawan ni direk Paul sa kanyang asawa bilang “most powerful.”

Nasaan na raw ang kapangyarihan nito para pataasin ang ticket sales?

Nasaan na rin daw ang milyun- milyong kababayan natin na sumuporta sa tuwing aakyat ng entablado si Toni noong panahon ng kampanya para sa presidential bid ni Bongbong Marcos?

Malay naman natin, baka magulat na lang tayo sa mismong araw ng concert ni Toni.

‘Ika nga, we never can tell. Ronnie Carrasco III