Benta sa Kadiwa P418M na – Malacañang

Benta sa Kadiwa P418M na – Malacañang

January 1, 2023 @ 1:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa P418 milyon ang kita ng Kadiwa, programang naglalayon na makapagbigay ng murang bilihin ng agrikultural na produkto sa mga mamamayan.

Sa ulat ng Malacanang nitong Sabado, Disyembre 31, maliban sa nabanggit na halaga ng kita ay nakapagserbisyo na ito sa 1.22 milyon na mga Filipino.

Kasama rin sa year-end report ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na mayroon ding 450 farner cooperatives at asosasyon, maging ang mga agri-fishery enterprises ang nakinabang sa Kadiwa mula sa 19,383 selling activities na isinagawa sa buong bansa.

Umabot na rin sa P15 milyon ang kita ng Kadiwa ng Pasko program na inilunsad noong Nobyembre.

Ang Kadiwa o “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita,” ay programa ni Pangulong Marcos upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na maibenta ang kanilang mga produkto.

Sinimulan ang orihinal na konsepto nito sa panahon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. RNT/JGC