Bentahan ng isla sa Cagayan, Subic sa Chinese investors, pinaimbestigahan ni De Lima

Bentahan ng isla sa Cagayan, Subic sa Chinese investors, pinaimbestigahan ni De Lima

January 10, 2021 @ 1:41 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanawagan si Senador Leila De Lima sa Senado na imbestigahan ang sinasabing maanomalyang bentahan ng isla sa Subic at Cagayan sa mga Chinese investors na lubhang mapanganib sa pambansang seguridad at paglabag sa Saligang Batas.

Sa  pahayag, gustong paiimbestigahan ni De  Lima ang mga  aktibidad ng mga Chinese investors sa Fuga Island sa Cagayan at Grande at Chiquita Island sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

 Kasunod ito ng panawagan ng   Pinoy Action for Governance and the Environment’s (PAGE’s) na imbestigahan ang bentahan kaya naghain si De Lima ng Senate Resolution No.93 na nanawagan ng kanselahin ang Chinese investor  project sa mga naturang isla.

“Anong petsa na? Aantayin pa ba natin masimulan ang mga proyektong ito bago tayo kumilos,” ayon kay de Lima.

Sinabi ni De Lima na nilabag  ng proyekto ang Saligang Batas dahil pinayagan ang manghimaosk ang dayuhang sa teritoryo ng Pilipinas at  exclusive economic zones.

“Hindi dapat hayaang mapasakamay ng mga dayuhan ang kahit anong parte ng bayang ito na dugo ng mga bayani ang naging puhunan,” ayon kay de Lima.

“Jurisprudence is clear: the characteristics of sovereignty are permanence, exclusiveness, comprehensiveness, absoluteness, indivisibility, inalienability and imprescriptibility. And under the Constitution, the goal of civilian supremacy is to always secure the sovereignty of the State and the integrity of our national territory. Just in case these lapdogs of China have forgotten!” patuloy niya.

Naalala  ni De Lima  na noong 2019, tinatarget ng China ang naturang isla upang magtayo ng economic at tourist  zones.

 “Huwag niyo sanang gawing oportunidad ang pagdurusa ng mamamayan dahil sa COVID-19 upang maisanla at maibenta ang ating soberanya sa mga dayuhan. Sinaid na nga ng korapsyon ang bulsa ng bayan, ipapaubos niyo pa ang ating mga natural na yaman sa mga dayuhan? Ganyan na lang ba kayo kalapastangan?,”  aniya.

“We must assert our sovereign rights over these strategic islands. Tindigan, ipaglaban at ipagsigawan: ATIN ANG PILIPINAS!,”dagdag ng senador.  Ernie Reyes


  •  
  •  
  •