Bentahan ng lechon sa La Loma sumirit na

Bentahan ng lechon sa La Loma sumirit na

December 18, 2022 @ 1:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tumaas ang presyo ng inihaw na baboy o lechon sa La Loma, Quezon City dahil sa pagtaas ng demand para sa holiday parties.

Sa ulat ng dzBB, ang pinakamaliit na lechon na tumitimbang ng 8 kilo ay ibinebenta sa halagang P8,000, habang ang pinakamalaki sa 20 kilo ay nasa P20,000, tumaas ng P2,000 mula sa dating P18,000.

Sinabi ng isang vendor na inaasahang tataas pa rin ng P1,000 hanggang P5,000 ang presyo ng lechon depende sa bigat habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon.

Ang supply ng mga baboy ay nagmumula sa mga probinsya dahil walang backyard raisers sa lungsod. Ang gastos sa transportasyon pati na rin ang travel permit mula sa Bureau of Animal Industry ay nagpapamahal pa.

Noong 2019, ang lechon, kasama ang malutong na pata at kare-kare, ay kasama sa listahan ng Taste Atlas ng 100 pinakamahusay na pagkain sa mundo. RNT