Bentahan ng ‘tsongki oil’ talamak online

Bentahan ng ‘tsongki oil’ talamak online

October 14, 2022 @ 7:43 PM 2 months ago


BULACAN – Natuklasan ng pulisya na kumakalat na rin ang high grade marijuana gaya ng kush at resin oil na umano’y ginagamit sa vapes ng mga durugista matapos masabat sa kanilang buy-bust operation ang P90,000 halaga ng illegal na droga sa San Ildefonso, Bulacan kamakailan.

Sa panayam kay San Ildefonso Acting chief of police Plt. Col. Russel Dennis Reburiano, dalawang binatilyong hindi muna pinangalanan ang kanilang nahuli na residente ng Brgy. Maasim at ang isa ay taga-San Miguel.

Ayon kay Reburiano, ang local marijuana ay napag-alamang galing umano sa Benguet habang ang kush at marijuana resin oil para sa vapes ay galing naman sa ibang bansa.

Aniya, pawang ang mga parokyano ng mga naaresto ay kapwa tropa nilang mga durugista na umano’y ibinibenta rin ng mga ito sa online.

Payo ni Reburiano sa mga kabataan na huwag silang gumamit ng illegal na droga dahil sayang ang kanilang kinabukasan at sumali na lamang sila sa mga aktibidad gaya ng pampalakasan para maiwas sa iligal na gawain. Dick Mirasol III