Benz Sangalang at Azi Acosta, naglampungan sa bubungan!

Benz Sangalang at Azi Acosta, naglampungan sa bubungan!

July 19, 2022 @ 11:53 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Patuloy ang magandang takbo ng showbiz career ng hunk actor na si Benz Sangalang, sa guidance ng manager niyang si Jojo Veloso.

After niyang magpatakam sa pelikulang Secrets, ibang Benz naman ang makikita sa Sitio Diablo na mapapanood very soon sa Vivamax.

Ang pelikula ay tinatampukan nina AJ Raval, Kiko Estrada, Pio Balbuena, Azi Acosta, Karl Aquino, Shiena Yu, at iba pa.

Gumaganap dito si Benz as Tonix. Ang  movie ay tungkol sa drug trafficking at gang war. Dito’y kinalbo ang aktor para magmukha talagang maangas at astig.

Esplika ni Benz, “Parang feeling ko ay mas nahasa po ako rito sa Sitio Diablo kompara sa Secrets. Mas na-challenge ako sa acting, kasi siyempre pangalawang movie ko na sa Vivamax. Marami na akong natutunan sa una kong movie, tapos ay in-improve ko pa lalo.

“And mas na-challenge po ako rito dahil sa mga action scenes na ginawa namin. Plus, dapat maangas talaga ang maging dating ko rito, ganoon po ‘yung nire-require ng character ko.”

Ayon kay Benz, kaabang-abang ang lampungan nila rito ni Azi sa bubungan.

“Feeling namin ay parang pusa kaming naglalampungan, kasi iyon po ang peg talaga, eh. Mga pusa na naglalampungan sa bubong. Abangan po nila ito, nag-enjoy naman ako sa eksena,” natatawang saad niya.

Paano ang naging preparation niya sa role bilang kontrabida sa pelikulang pinamahalaan ni Direk Roman Perez Jr.?

“Ako po rito si Tonix, ang gang leader ng buong Sitio Diablo. Ang movie na ito ay tungkol sa drug trafficking at gang war. Ang genre po niya, action-sexy po siya,” wika pa ni Benz.

Dahil bukod sa guwapings, matangkad at may katawan si Benz, may mga nagsasabi na tila ay sumusunod siya sa yapak nina Diego Loyzaga at Marco Gumabao. Ano ang reaction niya rito?

Nakangiting pahayag ni Benz, “Masaya po ako na nape-pressure dahil siyempre, mataas ang expectations nila sa akin… and sana kahit paano ay maabot ko ‘yun.” Nonie Nicasio