Benz Sangalang, hindi magpapasilip ng kargada!

Benz Sangalang, hindi magpapasilip ng kargada!

July 23, 2022 @ 2:11 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Pangangatawanan daw ng Viva actor na si Benz Sangalang ang umiwas sa frontal nudity kahit sabihing palaban siya sa mga bed scenes na uso ngayon sa mga pelikula ng Vivamax.

“Siguro sa ngayon, okay na lang muna ‘yung mga matirinding love scenes pero ‘yung magpakita ng kargada sa camera, parang hindi pa ako handa,” sabi ni Benz.

Tama si Benz dahil palaban nga ang mga elsena niya sa kama kasama sina Azi Acosta at Shiena Yu sa pelikulang Sitio Diablo.

Ani Benz: “Muntik na akong makalimot na eksena sa movie bed scenes na ginawa namin ni Shiena. Nadala ako sa galing sa romansa ni Shiena.”

Abangan din kay Benz ang action stunts na ginawa niya. Kasama rin niya sa Sitio Diablo skna AJ Raval at Kiko Estrada.

Ngayong Agosto ang streaming sa Vivamax ng mapangahas na pelikula ng Cult Director na si Roman Perez. Noel Asinas