Benz Sangalang, inip na sa bedscene nila ni Janelle Tee!

Benz Sangalang, inip na sa bedscene nila ni Janelle Tee!

April 2, 2022 @ 4:28 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Masaya si Benz Sangalang sa bagong movie niya, ang Secrets, dahil makaka-partner niya ang Miss Earth Philippines 2018 na si Janelle Tee, na dating co-host ni Willie Revillame sa afternoon game show ng Kapuso Network, ang Wowowin.

Bukod pa rito, first time ni Benz na maidi-direk ng award-winning megman na si Jose Javier Reyes.

Yes, suwerte si Benz kay Janelle dahil makaka-bedscene niya ang sultry sexy actress na galing pa sa Duterte Country, ang Davao City. Naiinip na nga siya sa naturang eksena.

Nagtapos sa Ateneo de Davao ng kursong AB English si Janelle. Dating tinulungan ng yumaong director na si Maryo J. Delos Reyes.

Bukod kay Benz, kasama rin si Felix Rocco sa movie bilang main villain. Isa rin siya sa mali-link kay Janelle sa pelikula na nakatakdang ipalabas sa VivaMax.

Samantala, si Benz ay isang athletic actor. Mahilig siya sa larong basketball. May YouTube Channel si Benz, may program siya na Draft-Room tungkol sa basketball na hit sa viewers. Matagal na itong na-monitized. Kumikita rin sa vlogging si Benz.

Ani Benz: “Iba katok ng pag-aartista sa akin.Talagang pag-arte ang gusto kong maging career.

“Una kong movie ang Rainbow Sunset na pelikulang ginawa ni Joel Lamangan. Short ang tole ko, pero masaya na ako.” Noel Asinas