Benz Sangalang, malungkot ang kaarawan sa pagkawala ng ama!

Benz Sangalang, malungkot ang kaarawan sa pagkawala ng ama!

August 24, 2022 @ 10:20 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Simpleng celebration ang naganap sa 26th birthday ng sexy actor na si Benz Sangalang kasama ang Philmoda Modelling and Talent Management manager na si Jojo Veloso at ang Sitio Diablo director na si Roman Perez Jr. Kumain lang sila sa restaurant.

Dumating din sa munting salu-salo ang Vivamax sexy star na si Ayanna Misola.

Ang wish ni Benz sa kaarawan niya: “Gusto Ko lang matupad ang wish ko, na magkaroon ako ng soap opera sa Kapuso network. Tutal naman Viva actor ako at may co-production deal na ang dalawa sa paggawa ng teleserye.”

Sa ngayon ay nagmo-mourn pa rin si Benz sa pagkawala ng amang retired police officer na si Bonifacio Sangalang sa edad na 70.

Anyway, ipapalabas na sa August 26 ang Sitio Diablo sa Vivamax.

First action movie ni Benz ang Sitio Diablo na bida-kontrabida ang role. Makikita ang galing niya sa mga eksenang bakbakan na katunggali ang bida ring si Kiko Estrada. Bida rin si AJ Raval kasama sina Azi Acostaat at Shiena Uy. Noel Asinas