Bereavement leave sa mga empleyado isinusulong

Bereavement leave sa mga empleyado isinusulong

January 8, 2023 @ 2:44 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ang pagpasa ng panukala na magbibigay ng fully paid week-long na bereavement leave benefits sa lahat ng mga empleyado sa panahon na mamamatayan ito ng kapamilya.

Sa House Bill No. 4340, sakop nito ang mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor kung saan bibigyan ng pitong araw na paid bereavement leave ang isang empleyado na namatayan ng asawa, anak, kapatid o magulang.

“The death of a loved one creates considerable physical, emotional and psychological burden on employees, who deserve a break from work to grieve and attend to funeral arrangements,” ani Rillo sa isang press release nitong Linggo, Enero 8.

“The paid bereavement leave, once enacted, will go a long way in cultivating a truly compassionate workplace for every Filipino,” dagdag pa niya.

Ani Rillo, ang hakbang na ito ay upang unawain ang kondisyon ng isang empleyado na tiyak mahihirapan sa trabaho sa ganitong mga pagkakataon.

Sa ilalim din ng panukala ng mambabatas, ang bereavement leave ay idaragdag sa paid leave benefits na kasalukuyang tinatamasa ng mga empleyado.

“Availment of the leave shall not be considered a misconduct or any form of unsatisfactory performance, nor can it be used as a reason for demotion, suspension or termination from employment,” dagdag pang saad dito.

Sa ilalim ng panukala, ang mga employer na bigong makapagbigay ng bereavement leave benefit sa kanilang mga empleyado ay paparusahan ng multang P20,000 at pagkakulong na hanggang 30 araw. RNT/JGC