BEST, RIGHT CHOICE SI PBGEN. JUN HIDALGO

BEST, RIGHT CHOICE SI PBGEN. JUN HIDALGO

February 28, 2023 @ 7:36 AM 1 month ago


MAYROONG bagong hepe ang Police Regional Office 3 o Central Luzon Police Regional Office sa katauhan ni PBGen. Jose “Jun” Hidalgo Jr.
Nanumpa si Hidalgo bilang PRO3 director sa isinagawang turn-over ceremony noong Huwebes, Pebrero 23 kung saan ang pangunahing panauhin ay si Philippine National Police chief PGen. Rodholfo Azurin Jr.

Bago nating top cop ng Central Luzon, si Hidalgo ay number 2 man o deputy director for administration ng National Capital Region Police Office.

Produkto ng prestihiyosong Philippine National Police Academy kung saan miyembro ng Tagapagkalinga class 1991, si Hidalgo ay subok na veteran police administrator at operator.

Napansin ang galing ni Hidalgo nang matalagang police commander ng Manila Police District -Ermita Police Station, kung saan naging maningning ang police career dahil sa mga nilutas na krimen.

Mula Manila, napunta sa Southern Police District hanggang maging director ng Northern Police District kung saan muling ipimamalas ang maayos na pamamahala.

Sa kanyang CaMaNaVa stint, saksi ang Chokepoint sa malaking pagbabago sa aspetong administratibo at police operation na nagbigay ng iba’t ibang karangalan sa NPD.

Sa NCRPO, hindi matatawaran ang naging ‘role’ ni Hidalgo dahil bilang number 2 man ay malaki ang naiambag sa matagumpay na liderato ni PMGen. Jonnel Estomo.

Minsan nang napadpad sa Region 3 – naging Mobile Force chief kaya’t “no stranger” ang anak ng Nueva Ecija na ito sa kanyang trabaho bilang newly-appointed Central Luzon top cop.

Recipient ng iba’t ibang award, si Hidalgo ay hinubog ng panahon kaya’t tama ang pagpili sa kanya para pamunuan ang tinawag na ‘timber and mineral resources’ region sa bansa.