Beta variant mas nakamamatay kaysa orihinal na COVID-19 virus

Beta variant mas nakamamatay kaysa orihinal na COVID-19 virus

July 13, 2021 @ 11:03 AM 1 year ago


SOUTH AFRICA – Batay sa mga researcher sa South Africa, mas nakamamatay ang Beta variant kumpara sa orihinal na bersyon ng virus.

Sa 1.5 milyong pasyenteng may COVID, 31 porsyentong mas mataas ang panganib na masawi sa second wave, ayon sa ulat na inilathala sa The Lancet Global Health.

Natagpuang ang mga tinamaan ng Beta variant ay malaki ang tsansang ma-ospital.

Samantala, hindi tinukoy ng mga researcher ang variant na mayroon ang pasyente kaya’t ginamit ng mga ito ang una at ikalawang wave period.

“We hope to repeat the analysis, comparing the third wave in South Africa to the first two waves, to similarly try to understand whether the Delta wave is associated with higher risk of death,” ani co-author Dr. Waasila Jassat of the National Institute for Communicable Diseases sa Johannesburg. Mula sa ulat ng Reuters